KAPAYAPAAN sa sports community ang panawagan ni Monsour del Rosario bilang bahagi ng paghahanda ng bansa sa nalalapit na Southeast Asian Games hosting sa 2019.

Ayon sa SEAG Chef de Mission mas mahalaga aniya ang pagkakaisa ng mga sports officials upang masimulan ng maayos ang paghahanda sa hosting biennial meet.

Monsour Del Rosario
Monsour Del Rosario
“Mahihirapan tayo kapag para tayong Marawi. Kaya sinasabi ko na lang ibang mga athletes, huwag na muna nilang pansinin kung may tampuhan yung mga nanay at tatay namin sa sports ang mahalaga mag focus sila sa pag eensayo,” kuwento ni del Rosario.

Sinabi ni del Rosario na nakalulungkot umanong isipin na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nawawala ang pulitika sa larangan ng sports na siyang nagiging ugat ng di pagkakaunawaan ng mga opisyales nito.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“There should be no politics in sports, but unfortunately it does exists and I myself was once a victim of it. So siguro it’s time na magkasundo sundo na sila para sa mga athletes,” ayon sa dating Taekwondo master.

Kamakailan ay nagpalitan ng mga salita sina Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez at si Philippine Olympic Committee (POC) president Jose Cojuangco sa kanilang panayam sa isang Television Show.

“Nakakalungkot lang kasi na yung dalawang sports officials natin, ay may hindi pagkakaunawaan, may tendency na minsan nadedemoralized yung athletes, so sana magkasundo na sila.Hindi nman kasi tayo ang magkakalaban dito, Sana talaga magkaayos na sila,” ayon kay del Rosario.

Hindi umano niya maipapangako na mangunguna ang bansa sa nasabing biennial meet, ngunit gagawin umano nila ang lahat ng kaya nilang gawin upang maging matagumpay ang kampanya at hosting ng bansa para sa 2019 SEAG.

“We cannot compare SEAG 2005 to this coming 2019 SEAG. kasi ibang secretariat noon, tsaka ngayon, iba din ang technology noon at ngayon. But we’ll do our very best for the success staging of 2019,” ani del Rosario.