Ni: Marivic Awitan

NAPUWERSA ng University of Santo Tomas ang ‘winner-take-all’ nang gapiin ang No.2 seed University of the East sa impresibong 63-53 panalo kahapon sa stepladder semifinals ng UAAP Season 80 women’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena.

“We survived two do-or-die games and I hope the girls will pull through on Saturday,” pahayag ni Tigresses coach Haydee Ong.

“We’re one step away from the finals and I know UE wii be right back so e have to be prepared and ready to counter whatever adjustment they will make,” aniya.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Nauna nang tinalo ng third-ranked UST ang Far Eastern University sa unang step-ladder match nitong Linggo.

Naghihintay sa championship ang nangunguna at record holder na National University Lady Bulldogs.

Nagtala si Anjel Anies ng 21 puntos, habang nag-ambag naman si Jem Angeles ng 12 puntos, 11 rebounds at walong assists kasunod si Sai Larosa na may 12 puntos at siyam na rebounds para sa nasabing panalo ng Tigresses.

Namuno naman si Ruthlaine Tacula para sa UE na may 14 puntos, pitong rebounds, tatlong assists at tatlong steals.

Mula sa 31-13 bentahe sa bungad ng second canto, nakuhang dumikit ng Lady Warriors sa 53-59 bago kinapos sa final stretch.

Iskor:

UST (63) - Anies 21, Angeles 12, Larosa 12, Jerez 10, Gandalla 6, Aujero 1, Capilit 1, Portillo 0, Sanggalang 0, Rivera 0, Peñaflor 0, Isanan 0, Magat 0.

UE (53) - Tacula 14, Sto. Domingo 12, Requiron 11, Chan 5, Gayacao 4, Cortizano 4, Ramos 3, Antonio 0, Francisco 0.

Quarterscores: 17-9, 33-21, 47-35, 63-53