NI: Lyka Manalo

BATANGAS CITY - Nagbigay ng direktiba ang bagong talagang hepe ng pulisya sa Batangas City sa kanyang mga nasasakupan na hulihin ang mga batang lansangan na gumagala sa mga pangunahing kalye sa lungsod, gayundin ang mga namamasko sa mga pampasaherong jeep.

Ayon kay Supt. Wildemar Tiu, delikado sa mga bata ang ginagawang pag-akyat sa mga pampasaherong jeep upang mangaroling sa mga pasahero.

“The street should not be a carolling area, so we have to prevent this, mahalaga ‘yung safety ng bata. Puwede sila masagasaan at ‘pag umakyat ng jeep, puwedeng mahulog,” sinabi ni Tiu sa kanyang pagharap sa Sangguniang Panlungsod nitong Martes.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nakipag-ugnayan na umano siya sa City Welfare and Development Office para sa gagawing panghuhuli sa mga batang lansangan.

Paiigtingin din ng pulisya ang panghuhuli sa mga recruiter na nagsasadlak sa mga menor de edad sa human trafficking.