NAITALA ng University of Santo Tomas ang golden double sa UAAP Season 80 judo competitions nitong Linggo sa Sports Pavilion ng De La Salle-Zobel campus sa Ayala Alabang, Muntinlupa.

Nagsosyo ang Growling Tigers at Ateneo Blue Eagles sa men’s division matapos magposte ng parehong 30 puntos sa dalawang araw ng kompetisyon.

Matikas naman ang UST sa women’s side sa ikaapat na sunod na season tangan ang 45 puntos – 13 puntos ang bentahe sa pumangalawang University of the East.

Naitala nina extra lightweight Daryl John Mercado at Sherwin De Rosa ang 1-2 finish para sa Tigers, habang nagtagumpay sina half middleweight Renzo Cazeñas at heavyweight Dither Joshua Tablan.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Sumampa rin sa Podium sina half middleweight Luis San Diego (silver), featherweight Russel Rhey Lorenzo (bronze), lightweight Jeunesse Nikole Ong (bronze), at half heavyweight George Kim (bronze).

Nakopo naman ng Eagles ang gintong medalya mula kina featherweight Isaiah Anthony Tuazon, lightweight Earl Timothy Uy at half middleweight Harmon Anthony Tuazon.

Kumuha rin ng medalya sina half lightweights Michael John Isidro (silver) at Christian Dominic Clemente (bronze), heavyweight Rafael Angelo Cadiente (silver), half middleweight Hermogenes Arayata IV (bronze), at middleweight Alfred Benjamin Querubin.

Ginamit ang bagong scoring system kung saan nagbibigay ng pitong puntos sa kampeon, tatlong puntos sa runner-up at isang puntos sa bronze medalist.

Napagwagihan ng Tigers ang ika-13 kampeonato sa men’s divison, habang ikapito para sa Ateneo.

Pinangunahan naman nina Khrizzie Pabulayan (extra lightweight), Almira Ruiz (lightweight), Jamaika Ponciano (half heavyweight) at Renielyn Castillo (heavyweight) ang four-gold ng UST sa women’s side.

Nagwagi rin ang Tigresses ng apat na silver at limang bronze medal para sa ika-10 titulo.

Nagwagi naman ang Lady Warriors mula kina Ma. Jeanalane Lopez (featherweight), Claudine Nargatan (half lightweight), Patricia Nicole Rosario (half middleweight) at Bianca Mae Estrella (middleweight).

Sa juniors division, napanatili rin ng UST ang titulo, habang nagwagi ang e UE sa girls class. - Marivic Awitan