NATUKLASAN sa isang pag-aaral sa Amerika kamakailan kung paanong nalunasan ng low-calorie diet ang dalawang uri ng diabetes sa mga daga.
Kapag nakumpirma ang epekto sa tao, maaaring makakuha ng mga potensiyal na gamot para gamutin ang karaniwang sakit, lahad ng mga mananaliksik sa pag-aaral na inilathala sa journal na Cell Metabolism.
Sa pag-aaral, ipinakita ng grupong pinamumunan ng mga mananaliksik mula sa Yale University na ang tatlong araw na very-low-calorie diet, na binubuo ng one-quarter ng normal na pagkonsumo, ay nagbunsod ng pagbaba ng blood glucose at insulin concentrations sa daga, na mayroong dalawang uri ng diabetes, nang hindi binago ang timbang ng katawan.
Natukoy sa sinubaybayang metabolic processes sa atay na dahil ito sa pagbabawas ng conversion ng lactate at amino acids sa glucose, at ang pagbaba ng rate ng liver glycogen conversion sa glucose.
Ang pagbabawas ng taba, na nakatulong upang mapabuti ang pagtugon ng atay sa insulin, ay nakapag-ambag din sa mga positibong epekto ng very-low-calorie diet.
“We showed that it is a combination of three mechanisms that is responsible for the rapid reversal of hyperglycemia following a very low-calorie diet,” sinabi ng senior author na si Gerald Shulman, propesor sa Yale University at imbestigador sa Howard Hughes Medical Institute.
Ang susunod na hakbangin ay ang pagkumpirma kung ang mga natuklasan ng pag-aaral ay maaaring gayahin sa mga pasyenteng may type 2 diabetes na sumasailalim sa alinman sa bariatric surgery o kumokonsumo ng very low-calorie diets, ayon sa mga mananaliksik.
Natuklasan sa mga naunang naunang report na nababawasan ang type 2 diabetes sa maraming pasyenteng sumasailalim sa bariatric weight-loss surgery, na nagbabawal sa caloric intake bago ang pagbaba ng timbang. - PNA