NILAGDAAN ng United States Sports Academy ang isang kasunduan para makipagtulungan sa Pilipinas sa layuning mapaunlad ang sports sa bansa.

Senulyuhan ni Academy President and CEO Dr. T.J. Rosandich ang kasunduan sa nilagdaang Protocol of Cooperation kay Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez.

Batay sa kasunduan, makikipagtulungan ang Academy para mapatatag ng bansa ang sports programs mula sa youth hanggang sa grassroots sports at elite sport level. Nakasaad din sa kasunduan na makikiisa ang Academy sa iba’t ibang governmental agencies at organizations na iendoso ng PSC bilang pagkilala sa kanilang ambag sa national sports development program.

“The signing of this protocol is of particular significance to the United States Sports Academy as we have had a long history with the Philippines,” pahayag ni Rosandich.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

“We taught our international certification programs in sports management and sports coaching in the island nation in the early 1980s, so to return today for this program is meaningful indeed.

“The Academy is looking forward to playing a role in the development of the national sport effort in the Philippines through our programs in education, research and service. Having taught sports education programs to over 65 countries, this partnership with the Philippines is a continuation of our mission,” aniya.

“We when we came to the Philippine Sports Commission we launched the Philippine Sports Institute (PSI) with the hope of establishing and strengthening elite sports and grassroots sports programs,” pahayag naman ni Ramirez.

“This partnership with the United States Sports Academy is hoped to achieve that.”

Nakapalood din sa kasunduan ang pagkakaisa at pagtutulungan sa sports cultural exchange kabilang ang Olympism, youth activities, sport art, literature, history, at iba pa.

Makikipag-ugnayan ang Academy sa government entities at organizations na irerekomenda ng PSC sa pakikipagtulungan ng Department of Education, Commission on Higher Education, Philippine Olympic Committee, Department of the Interior and Local Government at national sports associations.

Napagkasunduan ang naturang agreement nang maimbitahan bilang keynote speaker si Rosandich sa 2017 International Conference on Physical Education, Recreation, Fitness and Sports Science sa Davao City.