BELATED UNDAS Mistulang malalim ang iniisip ni Pangulong Rodrigo Duterte habang taimtim na nananalangin sa harap ng puntod ng kanyang ina, si Soledad Duterte, katabi ang himlayan ng kanyang ama na si dating Davao Gov. Vicente Duterte, nang bisitahin niya ang musoleo ng mga ito sa Roman Catholic Public Cemetery sa Davao City kahapon ng madaling araw.

Ni Beth Camia

Binisita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puntod ng kanyang mga magulang sa Davao City, kahapon ng madaling araw.

Dumating ang pangulo sa Roman Catholic Cemetery sa lungsod bandang 12:30 ng umaga kahapon.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Mahigpit ang ipinatupad na seguridad sa paligid ng sementeryo. At hindi gaya dati, kahapon ay hindi pinayagan ang mga miyembro ng media na makapasok sa loob ng libingan.

Mahigit isang oras na nanatili angh Pangulo sa musoleo ng kanyang mga magulang na sina dating Davao Gov. Vicente Duterte at Soledad Duterte.

Bago umalis sa sementeryo, hinarap at kinumusta ni Duterte ang mga taong nagkulumpunan malapit sa musoleo, na ilang oras ding naghintay upang makita siya.

Namahagi siya ng food packs sa mga ito, na nakaugalian na umano ng Pangulo.