Ni: PNA

NAKAPAG-AAMBAG ang mga kumpanyang age-friendly, o iyong boluntaryong pinagreretiro ang mga empleyado, sa mas mahabang panahon ng pagtatrabaho at mas mabuting kalusugan para sa mga retirado, ayon sa mga mananalikisk na pinag-aralan ang nakatatandang Australian sa pinagtatrabahuhan ng mga ito.

Gamit ang datos mula sa isang-dekadang national survey ng 1,700 katao na edad 45 hanggang 64, natukoy ni Dr. Cathy Gong mula sa Australian National University na ang taunang pagbabago sa kalusugan ng isang tao at ang kapakanan nito ay nauugnay sa mabagal na transition sa pag-alis sa trabaho.

Ayon kay Gong, ang pagtanggap sa mga nakatatandang empleyado ay hindi lamang nagdudulot ng mas mahabang karera para sa kanila, kundi mainam rin sa pangkalahatang kalusugan nito.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“People who left work involuntarily experienced significant decreases in their satisfaction with their finances, health and life, just in general,” ani Gong, mula sa Research School of Population Health ng Australian National University.

“They were also more likely to be psychologically distressed and welfare dependent,” dagdag pa ni Gong. “Age-friendly workplaces, work flexibility, retraining and promotion of healthy lifestyles are vital to address the major causes of not working, enable people to have longer careers and enhance well-being in later life.”

Ayon naman sa kasamahan ni Gong na si Professor Hal Kendig, ang pagkontrol sa desisyon ng pagreretiro sa pagtatrabaho ay ang pinakamainam na kontribusyon sa mas maayos na kalusugan at kapakanan ng matatandang Australian.

“Voluntary retirement with control over the timing and manner of retirement has a positive impact on a retiree’s psychological and social wellbeing,” saad sa pahayag ni Kendig.

“Enabling mature-aged workers to have longer careers offers benefits for both individual well-being and government budgets,” paliwanag pa niya.