Ni: Liezle Basa Iñigo

Iniulat kahapon ng Ilocos Sur Police Provincial Police na tatlo sa anim na mangingisdang iniulat na nawawala nitong Oktubre 31 ang na-rescue na.

Sa nakalap na impormasyon ng Balita kahapon, dakong 5:00 ng umaga ng Oktubre 31 nang nai-report na nawawala sina Alejandro Escalona, Jr., Rey Etrata, Bryan Cuaresma, sakay sa motorized banca na may markings na “Kokeano”; at sina Nilo Etrata, Norlex Bragado, at Jun Collo, na lulan naman sa bangka na may markang “Tyler”, pawang taga-Barangay Gabao, Santiago, Ilocos Sur.

Hapon nitong Miyerkules nang na-rescue ng Kerris Dale General cargo ship sina Nilo Etrata, Bragado, at Collo sa Bgy. Salomague, Cabugao, Ilocos Sur.

Probinsya

Mag-anak na sakay ng motorsiklo, todas matapos salpukin ng rumaragasang van

Dinala ang tatlong mangingisda sa Bgy. Gabao sa Santiago at kaagad na sumailalaim sa medical check-up.