Ni: Gilbert Espena
MULING bumalik ang tikas ni dating Rizal Technological University (RTU) mainstay National Master Julius Sinangote matapos magkampeon sa prestigious National Master Engineer Robert Arellano Chess Cup nitong Sabado, Oktubre 28, 2017 sa Chess Training headquarters sa Asinas St. San Juan City.
Ipinakita ni Sinangote ang kanyang husay sa three miinutes plus two seconds increment, Blitz format matapos makapagtala ng total 15 points output tungo sa coveted title na itinaguyod ni Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia-based National Master Engineer Robert Arellano sa one-day event na ipinatupad ang Single Round Robin Format.Nagkasya naman si John Lee sa ika-2 puwesto sa pagtipon ng 14.5 puntos na sinundan naman ni National Master Ali Branzuela na nagkamada ng 13. puntos pra sa ika-3 puwesto.
Ang mga pasok sa top ten place ay sina 4th place Paul Anthony Sanchez (12.0 points), 5th place Ricardo Jimenez (11.5 points), 6th place Genghis Imperial (11.0 points), 7th place Reggie Mel Santiago (8.0 points), 9th place Marc Simborio (7.0 points) at 10th place Mark Russel Salera (6.0 points).
Ayon kay Arellano, sinuportahan niya ang chess activities sa pamosong Chess Training headquarters bilang parte ng chess camaraderie sa mga chess players.
Sinabi rin niya malaking tulong ang programang ito sa untitled players o non-master chess players na may pagkakataon makalaban ang chess masters ng ating bansa. Sina Grandmaster-elect Ronald Dableo at Woman National Master Christy Lamiel Bernales ay sumali na rin sa mga nakalipas na torneo sa pamosong Chess Training headquarters.