Ni: Reggee Bonoan

TINANONG kami ng mga kakilala naming nanood ng The Barker nina Empoy Marquez atShy Carlos kung sinadya ba ng direktor nilang si Dennis Padilla na damihan ang kissing scene ng dalawa. Nag-trip daw ba si Direk?

Empoy at Shy copy

Hindi na kami nagtaka sa tanong na ito dahil nagulat din kami sa napakaraming halikan nina Empoy at Shy bukod pa sa ilang anggulong kinunan at kung ilang beses na take, base na rin sa ipinakitang bloopers sa ending ng pelikula.

Human-Interest

ALAMIN: Mga dapat malaman kung paano nga ba maging poll watcher sa eleksyon

Kuwento sa amin ng mga nakapanood sa SM City Rosales, Pangasinan, “Marami kaming nanood dito, Reggs, alam mo naman suportado namin siya (Empoy) sa lahat ng projects niya.”

Tama pala ang nakuha naming tsika mula sa movie producer na malakas sa mga probinsiya ang The Barker na produced ng Blank Pages Production at distributed ng Viva Films.

Samantala, tambak-tambak ang projects ni Empoy pagkatapos ng Kita Kita. Kung dati ay hindi siya napapanood sa mga TVC, ngayon naman ay madalas na sa mga ini-endorse niyang San Miguel Beer, Mang Inasal, Acer viral video, 555 Tuna at Lucky Me at may lima pa na hindi pa puwedeng banggitin.

Ongoing naman ang shooting ng pelikula nila ni Zanjoe Marudo under Star Cinema at tapos na rin niyang gawin ang indie movie na may titulong Kwento ni Money na prinodyus niClaire de la Fuente at distributed ng Star Cinema.

May serye rin siyang ginagawa na kasama sinaPiolo Pascual, Arci Muñoz at Alessandra de Rossi sa direksyon ni Antoinette Jadaone,may working title na To Love Somebody mula sa Dreamscape Entertainment.

At dahil busy si Empoy, wala siyang lovelife na hindi raw niya priority.