Ni: Annie Abad

TIWALA si Southeast Asian Games SEAG Chef de Mission Monsour del Rosario na handa ang mga atletang Pilipino na manguna para sa nalalapit na hosting ng bansa sa nasabing biennial meet sa 2019.Ayon sa dating aktor at ngayon ay Makati City Congressman, sapat ang suportang nakukuha ng mga atleta buhat sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The President has been very supportive of our athletes. So talagang ganun din ‘yung isinusukling pagsiisgasig ng mga athletes natin para sa preparations for this coming SEAG,” ayon sa dating Taewondo Champion.

Sinabi ni Del Rosario na kailangan lamang umanong pag- aralan kung aling mga sports kung saan talaga kikinang ang Pilipinas.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Kailangan nating silang gulangan, in a good way. Dapat alamin nating kung saang mga sports tayo mag eexcell at kung aling sports yung mas pinaghahandaan ng mga kalaban natin. We are the host so dapat tayo ang manalo. And I know our athletes can make to first place.” ani del Rosario.

Naniniwala rin si del Rosario na mas magtatagumpay ang mga atletang Pilipino kung may pagkakaisa buhat sa mga sports officials na siyang magiging huwaran at inspirasyon ng mga ito sa kanilang pagsabak sa 2019 SEAG.