Ni Marivic Awitan

NANGAKO ng buong suporta ang Mababang Kapulungan sa pagpapalawig ng porgrama sa collegiate sports, sa pangangasiwa ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ito ang binitiwang pangako ni Congressman Mark Zambar, miyembro ng House of Representatives Youth and Sports Committee, bilang pagtugon sa inaasahang mas malaking responsibilidad ng pamahalaan sa pagpapaunlad ng sports sa grassroots level.

Nagsagawa ng pagpupulong ang pamunuan ng PSC, sa pangunguna ni Chariman William ‘Butch’ Ramirez ang mga kinatawan mula sa 140 school at club representative sa National Consultative Meeting on Collegiate Sports sa Multi-Purpose Arena ng Philsports Complex sa Pasig City.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“We at the congress are willing to help, but we have to see a firm plan, let us all work together and find direction” pahayag ni Zambar.

Layunin ng nasabing pagtitipon ang mapag-isa ang lahat ng stakeholders sa collegiate sports para makapagbuo ng matatag at nagkakaisang athletic association para sa university sports.

Optimistiko si Zambar sa kanyang inaasahang magaganap sa dalawang araw na aktibidad.

“This is the bridge we have been looking for, ultimately helping us have better performances in the elite level like the Asian Games and the Olympic Games.”

Hindi naman nalalayo dito ang sentimiyento ni Ramirez na umaming nagkulang ang ahensiya sa nakalipas na 27-taon sa pagpapatupad ng tungkuling iniatas sa kanila.Kaya naman sinisikap nila ngayong punan ang mga pagkukulang na ito sa pagsisimula sa grassroots sports.

“We came here to build bridges. Yes, there are sad stories but we have to learn from those stories.”

“We know there is strength in partnerships so we are partnering with the Department of Education to fortify the Palarong Pambansa, with the Commission on Higher Education for tertiary sports, with the Department of Interior and Local Government and different local government units for grassroots sports,” aniya.

Ayon pa sa PSC chief, ang PSC ang nag -iisang catalyst, “if they decide to form an umbrella association, or whatever path they want to take as a group, we will support them.”