MULING iginupo ng University of Santo Tomas ang Far Eastern University, 21-15, 21-19, upang maitala ang back-to-back championships sa women’s division sa pagtatapos ng UAAP Season 80 beach volleyball tournament nitong Sabado sa Sands SM By The Bay.

Ang Tigresses ang pinakamatagumpay na koponan sa nasabing event ay naghabol pa sa second set upang makamit ang panalo.

Nagsilbing pinakamalaking regalo ang outside hit ni Bernadeth Pons ng Lady Tamaraws dahil ito ang nagsilbing championship point ng laban para kina Cherry Rondina at Caitlyn Viray.

Nakamit naman ni Rondina ang kanyang ikatlong MVP award makaraang pangunahan ang Tigresses sa perfect 9-0 season.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa men’s division, ginapi ng National University ang UST, 21-15, 14-21, 15-13, upang mapigil ang target na double victory at makopo ang titulo.

Dahil sa panalo, inungusan ng Bulldogs ang Tigers at ang Tamaraws bilang most winningest team sa liga sa hawak nilang apat na titulo.

Tinanghal na MVP sa men’s division si Bryan Bagunas. - Marivic Awitan