NAKOPO ng National University ang ikaapat na sunod na men’s championship nang bokyain ang University of the Philippines, 3-0, kahapon sa UAAP Season 80 badminton tournament sa Rizal Memorial Badminton Hall.

Naitala ng Bulldogs ang isa pang perpektong season sa napagwagihang 35 sunod na laro at pantayan ang Fighting Maroons sa pinakamaraming titulo sa liga sa lima.

MORADA: MVP at four-time UAAP badminton champion.
MORADA: MVP at four-time UAAP badminton champion.
Senelyuhan nina tournament MVP Alvin Morada at Alem Palmares ang panalo ng NU nang daigin ang tambalan nina JM Bernardo at CK Clemente, 21-17, 21-14, sa first doubles.

Nakuha rin ni Morada ang panalo sa second singles kontra Vinci Manuel, 21-12, 21-16, para sundan ang malaking panalo ni Mike Minuluan kay Bernardo, 13-21, 21-17, 21-10.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Mananatili ang ‘core’ ng UN at inaasahang magbabalik-aksiyon si last year’s MVP Leeward Pedrosa.

“Siguro, mas kakayanin namin kasi mas malakas kami next year. Tingin namin kaya pa,” pahayag ng 20-anyos na si Morada.

Nasungkit ni Carmelo Joseph Lunod Jr. ng UP ang Rookie of the Year honor.