WALANG duda na handa na ang St. Clare College-Caloocan sa NAASCU dynasty.

Nakumpleto ng St. Clare ang dominasyon sa De Ocampo Memorial College sa impresibong 98-83 panalo kahapon para walisin ang best-of-three title series sa men’s basketball championships ng National Athletic Association of Schools Colleges and Universities (NAASCU).

clare copy

Sa pangunguna nina Aris Dionisio, Junjie Hallare at Mohamed Pare, nagawang mahila ng Saints ang bentahe sa double digits sa kaagahan ng first half at hindi na bumitiw sa kabuuan ng laro para makopo ang ikalawang sunod na kampeonato sa itinuturing pinakamalaking collegiate league sa aspeto ng membership sa bansa.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Mistulang batya ang rim ng San Andres Sports Complex kay Dionisio sa naiskor na 20 puntos at 14 rebounds para sa Saints, nagwagi rin sa Cobras, 101-79, sa Game One nitong Lunes.

Nakamit ni Dionisio ang ikalawang sunod na MVP plum, habang kabilang sa Mythical Team Member sina Hallare, kumubra ng 20 puntos, habang tumipa si Pare ng 19 puntos at game-high 18 rebounds.

“Thank You Lord. Salamat din sa lahat ng nagdasal at sumuporta. Inaalay ko po ang game na ito para sa inyong lahat.

Congratulations players. Good job,” sambit ni St. Clare coach Jino Manansala.

Nagbigay din ng pasasalamat at mensahe si NAASCU president Dr Ernesto Jay Adalem ng St. Clare.

Sa pamumuno ni Adalem, nakamit ng St. Clare ang solid basketball program mula nang kunin ang serbisyo ni coach Manansala mula sa University of Manila noong 2012.

Nakamit ng St. Clare ang unang NAASCU title nang gapiin ang Centro Escolar University , 2-0, noong 2012, bago naging runner-up sa CEU mula 2013-2015.

Tinanghal din ang St. Clare na ikatlong koponan bukod sa UM at CEU na nakapagwagi ng tatlo o higit pa sa liga na nasa ika-17 season.

Ipinagkaloob naman kay Manansala, ang “Best Coach” award na personal na iniabot ni NAASCU commissioner Pido Jarencio at deputy commissioner Eddie Laure.

Nabigo naman ang St. Clare na makamit ang korona sa junior class nang madaig ng Our Lady of Fatima, 83-79.

Sa women’s division, naipuwersa ng defending champion Rizal Technological University ang deciing Game Three nang magwagi sa Enderun College, 77-74, sa Game Two.

Nanguna si Jeremiah Yonzon na may 24 puntos, kabilang ang 4-of-8 shooting.

Nag-ambag si Jessa May Bellcena na may 13 puntos .oints with four three-pointers.

Nanguna sa Enderun si Ella Rodriguez sa naiskor na 20 puntos at Mary Grace Calang , na tumipa ng 19 puntos.

Iskor:

Unang laro

(babae))

RTU (77) - Yonzon 24, Bellcena 13, Canales 10, Castillano 7, Dionisio 6, Mier 6, Mantos 4, Ayhon 4, Ybañez 2, Faraon 1. Enderun (74) - Rodriguez 20, Calang 19, Pangilinan 14, Manzanares 13, Marcos 3, Pumaren 3, Gonzalez 2, Callangan 0.

Quarterscores: 14-12, 32-39, 49-60, 77-74

(Juniors)

St. Clare (98) - Dionisio 20, Hallare 20, Pare 19, Palencia 12, Mendoza 10, Rebugio 6, Rubio 5, Alcober 4, Puspus 2.

De Ocampo (83) - Caranguian 19, Sabasaje 15, Atabay 10, Clarito 9, Gallardo 9, Guttierrez 5, Dela Cruz 4, Ramos 4, Manalang 2, Cañeles 2, Montojo 2, Fabro 2

Quarterscores: 22-16, 45-34, 71-56, 98-83.