Ni NOEL D. FERRER

HABANG nagdo-double time ang lahat sa pagtatapos ng kani-kanilang pelikulang isasali sa Metro Manila Film Festival, nagiging mas hayag na ang kompetisyon sa mga pelikula ng dating magkatambal na sina Coco Martin at Vice Ganda.

VICE GANDA copy copy

Noong nakaraang taon kasi, pagkatapos kumita ng malaki sa takilya ang kanilang pelikulang Super Parental Guardians ay nagkasundo ang kampo nina Coco at Vice na hindi na sila magtatapat ng playdate at kay Vice Ganda na ang end of November playdate at si Coco na ang MMFF sakaling palaring makalusot ito sa selection committee.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Ganoon na nga dapat ang mangyayari – nag-submit nga ng entry si Coco Martin ng kanyang version ng Ang Panday at nagpasa rin ang kampo ni Vice ng entry kasama sina Pia Wurtzbach at Daniel Padilla (na nagpalit na ng title) at parehong pinalad na makapasok sa MMFF.

Star Cinema at Viva Films pa rin ang producers ni Vice samantalang ang bagong production company ni Coco ang mismong producer ng Ang Panday. And, of course, we know that both are under the management of our friend, Deo Endrinal.

Hanggang sa nag-post na nga ang Viva about Vice Ganda’s concert in Batangas last weekend. Doon ako napatanong kung under Dreamscape or Deo’s management pa rin si Vice, kasi usually her handlers are the ones posting updates about him.

I just learned that it’s Viva who’s handling Vice’s engagements na. Yes, they are the ones representing the Unkaboggable Star.

While Vice in an earlier statement said na okey naman sila ni Coco (na I think totoo naman dahil hindi na mabubuwag ang pinagsamahan nila mula pa noong struggling days nila) , mukhang he has chosen to chart his own career path apart from the Dreamscape group.

In fairness, Viva has also served Vice well in the past. How this will impact his dealings with ABS-CBN remains to be seen. (It seems all is well pa naman, so far.)