TULUYANG sinalanta ng National University Lady Bulldogs ang mga karibal para makumpleto ang seven-game first round sweep sa UAAP Season 80 women’s basketball tournament kahapon sa Blue Eagle gymnasium sa loob ng Ateneo University sa Quezon City.

Tulad nang mga nakalipas na laban, dominante ang Lady Bulldogs sa 92-38 panalo kontra University of the Philippines Lady Maroons para mahila ang winning streak ngayong season sa 7-0 at 55 sa kabuuan ng kampanya sa liga sa nakalipas na tatlong taon.

Ginapi naman ng University of Santo Tomas ang University of the East, 54-49, para sa ikaanim na panalo sa pitong laro at ukupahan ang ikalawang puwesto sa team standings.

Hataw sa Lady Bulldogs sina Trixie Antiquera na kumana ng 24 puntos, kumubra si Ria Nabalan ng 17 puntos at 16 rebounds, nag-ambag si Rhena Itesi ng 12 puntos at 11 rebounds at nagsalansan si Jack Daniel Animam ng 11 puntos at 12 rebounds.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naputol din ng Tigresses ang four-game winning streak ng Lady Warriors.

Sa iba pang laro, nanaig ang Adamson University sa Far Eastern University, 55-54, habang nadaig ng De La Salle ang karibal na Ateneo, 49-46.

Sa kabila ng kabiguan, nanatili ang Lady Tamaraws sa No.4 tangan ang 3-4 karta, habang magkasosyo ang Lady Falcons at Lady Archers na may 2-4 karta.