Ni: Bella Gamotea

Posibleng maipatupad na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), katuwang ang Department of Public Works and Highways (DPWH), ang modernization program ng ahensiya upang resolbahin ang problema sa baha at basura sa Metro Manila.

Ito ay matapos aprubahan ng Asian Infrastructure Investment Bank (AIIB) at ng World Bank ang P23-bilyon budget na inutang ng pamahalaan na gagamitin para sa Metro Manila Flood Management Project.

Inaasahang ipatutupad ng MMDA at ng DPWH ang proyekto sa susunod na taon hanggang sa 2023.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

Nabatid na ang DPWH ang nakatalaga para sa modernisasyon ng 36 na pumping station na pinatatakbo ng MMDA sa buong Metro Manila.

Pagtutuunan naman ng MMDA na solusyunan ang basura sa mga bisinidad ng pumping station, mga daluyan ng tubig, at drainage channels.

Nasa 3.5% o 760,000 residente sa Metro Manila ang makikinabang sa naturang proyekto.