Ni: Liezle Basa Iñigo

SAN QUINTIN, Pangasinan - Isang dating konsehal ang inaresto matapos na salakayin ang bahay nito at makumpiskahan ng mga baril at mga bala sa Barangay Bolintaguen, San Quintin, Pangasinan.

Ayon kay Senior Insp. Napoleon Eleccion, hepe ng San Quintin Police, kinilala ang inaresto na si Narlo Ignacio, 57, dating konsehal at ngayon ay negosyante, ng Bgy. Bolintaguen, San Quintin.

Nagpatupad ng search warrant ang mga tauhan ng San Quintin Police, Provincial Public Safety Company at Provincial Investigation Branch sa pagsalakay sa bahay ni Ignacio.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Nakumpiska sa raid ang isang .40 caliber pistolized Taurus na may dalawang magazine at 38 bala, isang .38 caliber revolver na may anim na bala, isang slingbag at mga holster.

Ayon kay Senior Insp. Eleccion, inaalam na ng pulisya kung may kinalaman ang suspek sa Pogito Group, na sangkot sa gun-for-hire.

Nabatid din kay Senior Insp. Eleccion na parehong walang kaukulang dokumento ang dalawang baril na nakumpiska sa dating konsehal.

Pansamantalang nakadetine ang suspek sa municipal jail ng San Quintin.