Ni: Chito A. Chavez

Tatanggihan na ng mga transport network vehicle service (TNVS) na Uber at Grab ang mga booking para sa package delivery nang walang pasahero kasunod ng ulat na ginagamit na ngayon ang ride-sharing services sa paghahatid ng ilegal na droga sa mga kliyente ng mga drug trader.

Ang bagong hakbangin ang napagkasunduan ng Uber at Grab nang makipagpulong ang mga kinatawan nito sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kaugnay ng usapin.

Sinabi pa ni LTFRB Chairman Martin Delgra na bubuo ng direktiba ang ahensiya na mag-oobliga sa mga TNVS partner na sumailalim sa drug testing.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

Tinukoy ang sitwasyon na lubhang nakaaalarma, hiniling ng PDEA ang pulong sa Uber at Grab makaraang makumpirma kamakailan na walang kaalam-alam ang mga driver ng dalawang TNVS na nagagamit sila sa paged-deliver ng ilegal na droga.