Ni ADOR SALUTA

AMINADO si Luis Manzano na “patola” o mapagpatol siya sa bashers na wala nang ginawa kundi punahin ang bawat kilos ng mga artista.

Nakausap namin ang kahihirang na Darling of the Press ng PMPC Star Awards sa kanyang thanksgiving party for the club at kanyang sinabi na ang isa ito sa mga natutuhan niya sa amang si Edu Manzano: “Don’t take shit from anyone!”

Luis Manzano
Luis Manzano
“Oo naman! Iumpog ko pa sila sa pader, eh!” nagbibirong sabi ni Luis sabay tawa. “Sabi ko, you can only go so far from being a victim. Kasi ‘pag tahimik ka lang... ito ‘yung point ko, I understand naman the other side, na ‘pag tahimik ka lang, okay, dadaan din ‘yan. Pero ang sa akin is, ‘pag tahimik ka lang, sanay ‘yung mga tao, ‘pag kunwari ba may nakikita kang abuso na nangyayari sa government, tatahimik ka lang ba dahil, ‘hindi, normal naman ‘yan nowadays’?

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Hindi! Di ba? Kung nanahimik naman ako, wala akong inaagrabyado, titirahin mo ako, eh, di mas yayariin kita! Para matuto ka! Iyon ang sa akin, e!” katwiran ng host ng I Can See Your Voice.

“Naalala ko nga ‘yung issue na... naalala n’yo ba, matagal-tagal na ‘yun, na meron akong waiter na binastos daw? Sabi ko, du’n ko napatunayan na sa industriya, or in general, in life, hindi totoo ‘yung saying na, ‘Where there’s smoke, there’s fire.’

“Hindi totoo ‘yun! ‘Yung sinasabi natin, hindi lalabas ang isyu kung walang katotohanan, di ba, ng kahit anong bahid ng katotohanan. Du’n ko napatunayan na it’s not true. Kasi, unang-una, di ba, ‘yung isyu na ‘yun, ‘yung kumain daw kami ni Billy (Crawford) sa isang steak house, ‘tapos mali ‘yung pagkakaluto nu’ng steak, nagwala daw ako.

“Sinabi ko pa daw na, ‘Ipapasara ko ito! Hindi n’yo ba ako kilala? Powerful ang magulang ko!’ ‘Tapos, dinuraan ko pa daw ‘yung sapatos niya,” tuluy-tuloy na kuwento ni Luis.

“Unang-una, kailan kami kumain ni Billy ng kami lang dalawa?”

Sa Instagram post ng isang basher lumabas ang naturang paratang kay Luis.

“Ang haba! Kahit ako, kunwari outsider, mabasa ko, ‘yung amount ng details, parang totoo! ‘Yung akala mo MMK (Maalaala Mo Kaya) na nagpadala ng sulat! Ang haba!

“So, sabi ko, du’n ko napatunayan na hindi totoo ‘yung ‘where there’s smoke, there’s fire.’ Minsan talaga, there’s smoke na walang… and, unfortunately, ang daming naniwala,” naiinis na pagtatapos ni Luis.