Ni: Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Nakatakas ang tatlong bilanggo sa piitan ng Butuan City Police Office-Station 3 (BCPO-S3), nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga pumuga na sina Millien Mark R. Dumaplin, nahaharap sa kasong child abuse at illegal possession of explosives; Ernesto P. Montoya, may kasong illegal possession of firearms and ammunition; at Dingdong E. Del Rosario, na nahaharap naman sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act.

Huling namataan ang tatlong suspek bandang 3:00 ng umaga nitong Biyernes, ngunit nang magsagawa ng inspeksiyon ang pulisya dakong 6:00 ng umaga sa kaparehong araw ay natuklasang nakapuga na ang mga ito.

Probinsya

Curious lang daw! Bagger sa mall, arestado dahil nandekwat ng condom

Nakarekober ng mga imbestigador sa pasilidad ang dalawang lagari.