Ni LITO T. MAÑAGO

TUWANG-TUWA ang former TV5 talent at graduate ng Artista Academy na si Chanel Morales dahil, finally, ipapalabas na ang first movie niya sa Regal Entertainment na The Debutantes. Kabituin niya ang apat pang ‘It Girls ng Horror’ at Star Magic artists na sina Miles Ocampo, Michelle Vito, Jane de Leon at Sue Ramirez.

CHANNEL copy

Kuwento ni Chanel, inabot ng mahigit apat na buwan ang kanilang shooting, sa direksiyon ni Prime Cruz.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“The last shooting day was only last month,” aniya. “Nag-training ako para sa role ko kasi competitive swimmer ako, so nag-training ako ng three times a week at paiba-iba pa ‘yung locations under Bert Lozada.”

Lima silang bida sa movie. Nag-iisa lang siyang talent mula sa ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria at ‘yung apat ay mga alaga ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. Pero sabi ni Chanel, madali siyang nakapag-adjust dahil mababait naman ang mga ito sa kanya.

“Masaya,” kuwento ni Chanel, “kasi du’n naman sa set, nag-uusap naman kami at hindi sila ‘yung parang, alam mo ‘yun, parang nagko-compete sa isa’t isa. Masaya lang lahat and lahat ginagawa kung ano ‘yung trabaho ng bawat isa.“

Nang magdesiyon ang TV5 na tuluyan nang sarhan ang entertainment division, lahat ng home-grown talents ng istasyon ay naglipatan sa ibang TV networks.

Nanghihiyang man si Chanel sa kinahinatnan ng Kapatid Network, wala siyang magagawa. Nami-miss niya ang mga kasabayan niya sa TV5.

“Nami-miss ko rin sila lalo na ‘yung mga ka-close ko, sina Sophie Albert, Vin Albrenica pero as much as possible hindi kami nawawalan ng communications. Laging may hi and hello kahit sa social media. Magka-text pa rin kami at nagkukumustahan. If may time na magkita kami sa mall or anywhere, we try to make time. Ugali ko rin kasi ‘yun na kahit hindi kami madalas magkita, friends pa rin kami,” paliwanag ng aktres.

Sa limang aktres, tanging si Chanel ang umaming mahigit dalawang taon na ang relasyon sa kanyang boyfriend na si Carl Guevarra. Kaya tinanong siya kung ano ang sekreto sa kanilang gumagandang relasyon.

“Siguro, in terms of communications. Nag-uusap kami, like halos everyday parang tsine-check namin ang isa’t isa, kinukumusta, ano’ng ginagawa, ganu’n. Pero at the same time, kapag may gusto kaming gawin, kunyari, may work kami or anything, hinahayaan naming gumawa ng kani-kanyang work or anuman and nagsu-support kami sa isa’t isa. Kunyari, may project ‘yung isa, hindi ako nakikipag-compete or siya rin sa akin. So sinu-support niya ako and tinutulungan niya ako or sinasamahan din niya ako kapag kaya niya,” sagot ng dalaga.