BILANG bahagi ng pagdiriwang ng International Day of University Sports ngayon, muling pinapurihan ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) ang tatlong Pilipinong atleta na nagbigay ng karangalan sa bansa sa mga nakalipas na Summer Universiade simula 2011 hanggang 2017.

Ipinahayag ni FESSAP president David Ong na ang tatlong magiting na Pilipinong atleta -- chess champion GM Wesley So, taekwondo star Samuel Thomas Morrison at wushu sensation Jomar Balangui -- ay magandang ehemplo para sa lahat ng mga kabataan na umasam na mabigyan ng karangalan ang bansa sa sports.

“The achievements of Wesley So in chess, Samuel Morrison in taekwondo and only recently, Jomar Balangui in wushu, are perfect examples of our young and talented university athletes who can make a big difference,” pahayag ni Ong sa kanyang mensahe sa mga student-athletes na lumahok sa FESSAP-organized IDUS celebrations sa University of Baguio.

Si Balangui, ang bayani sa kampanya ng Pilipinas sa nakalipas na Taipei Universiade nitong Aug. 17-30, ay mag-aaral ng UB.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Personal na pinapurihan ni Ong ang tatlong natatanging atleta -- si So, na nagwagi ng gold sa chess sa 2013 Kazan Universiade, Morrison, na nanalo ng silver sa taekwondo sa 2011 Universiade at Balangui, nag-uwi ng silver sa wushu sa 2017 Taipei Universiade.

“As we join our FISU family in this annual celebration of the International Day of University Sports every Sept. 20, it is only proper that we pay tribute again to our three buggest athletes in the Universiade,” ayon kay Ong.

Pinangunahan ni FESSAP regional director for Cordillera Autonomous Region (CAR) Dhanna Kerina Bautista Rodas ng UB ang pagsasagawa ng programa.

Ang taunang pagdiriwang ng International Day of University Sports ay pinasimulan ni FISU president Oleg Matytsin ng Russia. Nagsimula ito nung nakaraang taon at kaagad inendorso ng United Nations Education, Science and Culture Organization (UNESCO).

Ang FESSAP, pinangungunahan nina Ong, Atty. Baldomero Estenzo, Prof Robert Milton Calo, Jedel Agron, Dr. Diosdado Amante, Dr. Godofredo Gallega at businessman-sportsman Alvin Tai Lian, ay ang nag-iisang asosasyon sa bansa na kinikilala ng FISU simula 2009.

Sa kasalukuyan, ang FESSAP ay may mahigit 100 miyembrong universities at collegiate sa buong bansa.

Kabilang sa mga FESSAP member- associations ay ang SCUAA, BAP, PRISAA, CESAFI, FCAAF, PISCUAA, CAAP, at LAAA.