Ni: Rommel P. Tabbad

Iniutos kahapon ng Office of the Ombudsman ang pagsasampa ng kaso laban kay Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog at sa isang miyembro ng Sangguniang Panlungsod (SP) kaugnay ng pagpasok ng mga ito noong 2015 sa kontrata sa isang towing services company na pag-aari umano ng alkalde.

Sa ruling na inilabas ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nakitaan ng probable cause ang reklamong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act na kinakaharap nina Mabilog at Sangguniang Panlungsod Member Plaridel Nava II.

Ayon sa anti-graft agency, naglabas ng ordinansa ang Sangguniang Panlungsod noong Abril 8, 2014 upang gumamit ng wheel-towing clamp ang lungsod bilang bahagi ng towing ordinance.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pebrero 17, 2015 naman nang naglabas din ng resolusyon ang SP na nagbibigay ng pahintulot kay Mabilog na pumirma sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng 3L Towing Services para sa tuluyang pagpapatupad ng clamping ordinance.

Sa ordinansa, ang 70 porsiyento ng makokolektang multa ay mapupunta sa towing company habang ang natitirang 30 porsiyento ay didiretso naman sa kaban ng Iloilo City.

“Two weeks later, or on 27 February 2015, Mabilog wrote an urgent letter to the SP informing the body of the suspension of the MOA due to ‘some technical issues.’ On 19 May, 2015, 3L proprietor Leny Garcia wrote Mabilog and offered to withdraw from the MOA ‘amidst the legal issues confronting it and submit to legal processes prescribed by laws on government bidding and procurement’,” saad sa ruling.

Kaugnay nito, inakusahan naman ni Nava si Mabilog na tunay na may-ari ng towing company at mayroon umanong direct financial interest sa MOA.