Ni: Beth Camia

Hindi na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa United Nations General Assembly na ginaganap ngayong buwan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na dati nang nagsabi ang Pangulo na babawasan nito ang mga pagbiyahe sa ibang bansa upang mas mabigyan ng pansin ang mga nangyayari sa bansa, tulad ng rehabilitasyon ng Marawi City.

Nagtipon na ang 72nd UN General Assembly nitong Setyembre 12, sa New York. Gaganapin ang general debate sa Setyembre 17, at magtatagal ang okasyon hanggang Setyembre 25.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'