Ni: Marivic Awitan

SA unang laro ng Far Eastern University, nauwi sa wala ang career -high na 21-puntos ni Ron Dennison dahil sa kabiguan sa defending champion De La Salle University.

Kaya naman sa sumunod nilang laro, tiniyak niyang hindi masasayang ang kanyang effort nang dominahin nila ang University of the East Red Warriors, 90-83, nitong Miyerkules para sa una nilang panalo.

“Sabi ko na bounce back kami, na wag gawin yung mga mali namin yun ang motivation,” ani Dennison matapos umiskor ng 16 puntos, 4 rebounds, at 3 assists.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“Kailangan kaming matuto sa mga mali na yun. Nagawa naman namin pero dapat maging consistent kami sa forty minutes.”

Nakilala bilang isang mahusay at maaasahang defender, ngayong season ay ipinakita ni Dennison na kaya niya ring kumana sa opensa. .

“Nung off-season, pinaractice ko talaga yung offense ko kasi di naman pwede na mag-rely lang ako sa defense. Lalo na sa team ko ngayon na kailangan na nag-score din ako,” ani Dennison.

“Well, malaking improvement ‘yun. And I think for his development as a player, malaking bagay ‘yun. Pero si Ron, kilala naman natin siya more on the defensive end and I think for his growth and development as a player, okay din na he’s developing his offense,” wika naman ni FEU head coach Olsen Racela.

“But yun ang trademark ni Ron, ang depensa. I think yun ang makakapagdala sa kanya to the next level.”