Curry at Durant
Curry at Durant

OAKLAND, California (AP) – Iginiit ni Stephen Curry na walang tampuhan sa pagitan nila ni Kevin Durant sa kabila nang pagkakaiba ng kanilang opinion hingil sa Under Armour – ang sapatos na iniendorso ng two-time NBA MVP.

Nitong Agosto, nabanggit ni Durant, may signature sneaker sa Nike, sa panayam ni Bill Simmons sa The Ringer podcast, na ‘nobody wants to play in Under Armours.’

Nakarating sa kaalaman ni Curry, nagdala sa Under Armour sa tagumpay mula nang lumipat mula sa Nike, ang naturang komento ni Durant kung kaya’t kaagad niyang pinakinggan ang kabuuan ng panayam.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Sa kanilang pag-uusap, kapwa nila naintindihan ang kani-kanilang responsibilidad at nagkasundo na igalang ang kani-kanilang opinion.

“What that means when it comes to the competition among shoe brands and universities and the whole grassroots system and whatnot – he’s entitled to that opinion obviously. ... But when it comes to what I’m trying to do with Under Armour, and what the Curry brand means and what Under Armour basketball means, that statement does not ring true at all,” pahayag ni Curry sa Charlotte Observer.

“Where we were four years ago, and where we are now – you can’t tell me nobody wants to wear our shoes. I know for a fact that they do,” aniya.

“There is nothing that is going to put a wrench in our locker room,” aniya.