Ni: Francis T. Wakefield

Sa kabila ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng security forces at ng mga teroristang Maute Group, ipinagpatuloy na ang klase sa 12 pampublikong paaralang elementarya sa Marawi City nitong Martes.

Ayon kay Brigadier General Rolando Joselito Bautista, commander ng Joint Task Force Marawi, nagsimula na muli ang klase sa Sultan Conding Elementary School, Sikap Elementary School, Cabingan Primary School, Banga Elementary School, Datu Tambak Elementary School, Rorogagus Elementary School, Bito Elementary School, Pendolonan Elementary School, Abdulazis Elementary School, Camp Bagong Amai Pakpak Central Elementary School, Sugod Elementary School, at Mipaga Elementary School nitong Martes.

“We are nearing the end of the battle with the gun fight confined to the main battle area in the besieged city.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Security measures are being tightened to preempt any attempts by the terrorists to hamper classes,” ani Bautista.

Sa pagsisimula ng klase sa 12 elementary at high schools, nagsagawa ng mga conference ang Joint Task Groups, sa ilalim ng JTF Marawi, at tinalakay ang paghahanda sa seguridad at pagtiyak sa kaligtasan ng mga guro at estudyante.