Ni Rey Lachica

KUALA LUMPUR, Malaysia – Kalabaw lang ang tumatanda.

Pinatunayan ito ng Fil-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) over-60 squad ng pataubin ang Kuching, 75-35, Lunes ng gabi sa 26th ASEAN Veterans Basketball Tournament sa MABA gym 2 dito.

Mistulang makinang walang palso sa opensa ang Pinoy cagers, pinangangasiwaan ni coach Edster Sy, para mailarga ang 27-9 run sa third quarter upang mailayo ang bentahe na hindi na nagawang habulin ng karibal sa kabuuan ng laro.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Sina dating University of the East forward Julio Cruz at datng La Salle center Kenneth Yap ang kumana sa FCVBA squad sa unang bahagio ng laro , bago rumatsada sina dating PBA guard Aris Franco, Elmer Reyes at Conrad Siy sa econd half para maitarak ang 57-22 bentahe.

Nagbigay din ng malaking ambag sa depensa sina Davao-based Noli Banate, Andrew Ongteco at Danny Chia para sa matikas na simula ng Pinoy squad sa taunang torneo.

Humirit din sa 65-and-above at 50-and above division ang FCVBA na suportado ni Eduard Tio ng Freego, Jimi Lim ng Ironcon Builders, Terry Que ng Rain or Shine at Johnny Chua.

Sa pangunguna nina Bong dela Cruz, Zotico Tan at William Lao, ginapi ng 65s squad ang Hatyai ng Thailand, 45-39, habang kumubra si Allan Caidic ng 18 puntos para sandigan ang 50 squad sa 61-37 panalo kontra Miri – ng Thailand.

Nasundan ng 50s ang panalo sa dominanteng 70-44 desisyon kontra Bangkok, Thailad. Hataw sa laro sina Caidic, Gerry Tee, Gerry Gonzales, Benet Palad, Joe Sta. Maria at Bong Tan.