NAKALUSOT ang Adamson University Lady Falcons sa dikdikang duwelo kontra sa University of the Philippines Lady Maroons, 17-25, 25-21, 19-25, 25-19, 15-9, para simulan ang kampanya sa Premier Volleyball League (PVL) Collegiate Conference nitong Lunes sa The Arena sa San Juan.

PHOTO--1----Satrriani Espiritu Middle blocker of San Beda College lady red spikers passes infront Khem Consencino of Technological Institute of the Philippines.Espiritu scores 18 points in their first game during the Premiere Volleyball Leauge,the lady red spikers won 13-25,18-25,27-25,13-25 total of 71-100.PHOTO/SONNY ESPIRITU
PHOTO--1----Satrriani Espiritu Middle blocker of San Beda College lady red spikers passes infront Khem Consencino of Technological Institute of the Philippines.Espiritu scores 18 points in their first game during the Premiere Volleyball Leauge,the lady red spikers won 13-25,18-25,27-25,13-25 total of 71-100.PHOTO/SONNY ESPIRITU

Pinangunahan ni Ellie Soyud, dating miyembro ng La Salle, ang ratsada ng Adamson sa naiskor na 27 puntos, habang kumana sina skipper Jema Galanza ng 18 puntos, 16 digs at 16 excellent receptions at Joy Dacoron na may 13 marka.

Mula sa 8-9 paghahabol, kumubra ang Lady Falcons ng pitong sunod na puntos para tuldukan ang laban at makasama sa Arellano University at San Beda College sa liderato sa Group B.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“It’s probably our toughest match we’ll play in our bracket. I think it’s safe to say that if I could pick a rival, it would be them of all the teams in the UAAP so we needed this win. We needed to start off on a strong note,” pahayag ni Adamson coach Air Padda.

Nanguna sa UP si team captain Diana Carlos na may 19 puntos habang nag-ambag sina Marian Buitre at Isa Molde ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Ginapi naman ng National University ang Lyceum of the Philippines University, 25-17, 25-16, 25-21.

Kumubra sina Jaja Santiago at Risa Sato ng tig-11 puntos, habang umiskor si Jorelle Singh ng walong puntos para sa Lady Bulldogs.

Maaga ring nasa liderato sa Group A ang Lady Bulldogs kasama ang Ateneo at Far Eastern University.

Nanguna sa Lyceum si Rocelyn Hongria na may walong puntos.