Ni: Marivic Awitan

MATAPOS kanyang pagtisipasyon sa National Team mula sa FIBA 3x3 World Championships sa France, Jones Cup sa Taipei hanggang Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur Malaysia, nakahanda nang ipagpatuloy ni Kobe Paras ang kanyang US NCAA career.

Nakatakdang umalis ang 19-anyos na si Paras sa darating na Huwebes pabalik ng California upang magbalik eskuwela at ensayo kasama ng kanyang mga teammates sa Cal State Northridge.

Para kay Paras, anak ng dating PBA Rookie of the Year at MVP awardee na si Benjie Paras, babaunin niya sa pag -alis ang mga naging karanasan sa paglalaro kontra sa mas matatanda at mas matatangkad na kalaban na inaasahang makakatulong ng malaki upang lalo pang ma -develop ang kanyang laro.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

"When I go to the States, it's strictly business na. College," pahayag ni Paras sa finals na homecoming lunch para sa SEA Games-gold medalist Gilas team sa Marco Polo na inihanda ng Chooks to Go.

"It's not like here na lalaban ako para sa bayan. Doon, lalaban ako para sa sarili ko and the future. I love my teammates, I love everyone and I can't wait to get back there."

Habang naglalaro sa National Team, patuloy ang pag -aaral ni Paras at paggawa ng kanyang mga school works at papers online.

Ngunit, ayon kay Paras, sulit naman ang kanyang mga naging sakripisyo.

"It's been a blessing," anang 6-foot-6 na si Paras. ."There are not that much 19 year olds who go through what I go through. I'm just blessed to mature at such a young age. People don't understand that since France and the Jones Cup, I had classes online. Literally had to do a lot of school work."

"Masaya ako kasi nga dati ko pang sinasabi na gusto kong maglaro talaga sa mga 5-on-5," aniya. "So binigyan ako ng chance and I made the most out of it. I hope I made the Filipinos proud."