KUMPIYANSA ang mga opisyal ng Filipino-Chinese Veterans Basketball Association (FCVBA) na maidedepensa ng delegasyon ang tatlo sa apat na titulong napagwagihan sa nakalipas na edisyon sa kanilang pagsabak sa 26th ASEAN Veterans Basketball Championships na magsisimula sa Lunes sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“It’s going to be tough defending our titles considering Malaysia is coming off a dominant show in the SEA Games,” pahayag ni Ironcon Builders boss Jimi Lim. “But we will try our best. This is basketball, so we have to live up to everybody’s expectations.”

Makakasama ni Lim, playing-coach ng 65-and-above team, ang mga pambato na sina Rain or Shine’s Terry Que, Freego’s Eduard Tio at Tanduay’s Bong Tan.

Mamanduhan ni Tio ang 60s class, habang si Tan ang titimon sa 50s class sa taunang torneo na nadomina ng FCVBA sa nakalipas na taon. Hindi naman makakapagdepensa ang FCVBA sa 40s category bunsod nang kakulangan sa players.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Bukod kina Lim at Que, lalaro sa 65-years class sina dating MICAA players Bong dela Cruz at Zotico Tan, Sunny Co, Achit Kaw, Antonio Go, Lee Ching Ka, William Lao, Johnson Lao at Lee Chin Sun.

Tatayong coach si Edsters Sy sa 60-years team na binubuo nina dating PBA player Kenneth Yap, Noli Banate, Elmer Reyes, at Aries Franco, kasama sina Andrew Ongteco, Danny Ching, James Chua, Danny Co, Jose Lao, at Conrad Siy.

Pangungunahan naman ni Tan ang 50-years squad.