Ni: Reggee Bonoan

ANG pagiging athletic ni Gerald Anderson ang isa sa mga dahilan kaya kinuha siyang maging endorser ng CosmoCee. At dahil effective endorser, muli siyang ni-renew ng kompanya.

Hindi naman nagkamali ang may-ari ng Bargn Pharmaceuticals na sina John Redentor Gatus, Jr. at Nino Bautista dahil talagang parte na ng buhay ni Gerald ang CosmoCee lalo’t araw-araw siyang nagwo-workout.

“Hindi po buo ang araw ko kapag hindi ako nakapag-workout at sa totoo lang, ang tagal ko nang hindi nagkakasakit kasi minsan hindi maiiwasan na matuyuan ka ng pawis kapag busy ka sa trabaho. Yes, the last three years na akong hindi nagkakasakit o nagka-fever. Well, it’s because of CosmoCee Vitamin C na para sa active lifestyle talaga.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“More on maintenance ko talaga, lalo na sa lifestyle ko na nagti-taping ‘tapos after that nag-e-exercise pa ako kaya itong CosmoCee talaga ang recovery ko,” kuwento ng aktor.

Hindi madali ang sports na sinasalihan ni Gerald bukod sa basketball, ang triathlon at katatapos nga lang niyang sumali sa Ironman na ginanap sa Cebu kamakailan.

“Nag-iba talaga, kasi isipin mo ‘yung swim, bike at run gagawin mo sa isang araw kaya patayan talaga sa schedule at oras. Ang pinaka-enjoy ‘yung swimming ‘tapos ‘yung bike. Ang pinakamahirap sa akin ‘yung takbo kasi ito ‘yung pinakadulo kasi pagod na pagod ka na ‘tapos tatakbo ka pa ng isang 10k or 5k.

“Kaya nga may mga biglang nag-collapse, feeling ko hindi siguro nakapaghanda, pero mahirap ang sports na ‘yan, sobra.

Kaya mataas ang respeto ko sa mga triathletes,” bungad kuwento ng aktor.

Kaya bilib na bilib si Gerald sa leading lady niya sa Ikaw Lang Ang Iibigin na si Kim Chiu na sumasabak na rin sa pagtakbo at ang hahaba pa tulad ng 21K.

“Ang hirap nu’n, ha. Ang lakas niya,” sabi ng binata.

Niyaya na rin niyang tumakbo ang rumored girlfriend niyang si Bea Alonzo.

“Tumatakbo na rin, sumasali na rin siya minsan. Gusto kong sabihing na-influence ko siya, pero hindi, eh, kasi siya ‘yun. Araw-araw siyang tumatakbo, maski sa taping kapag may treadmill tumatakbo.

“Nakakatuwa kasi ‘yung lifestyle ko, kahit paano nakakahawa ako, ‘yun naman ang gusto ko bilang tao to inspire ibang tao. Actually, ginagawa ni Bea (ang pagtakbo), hindi lang nakikita, pero ginagawa niya. Sabi ko nga araw-araw siyang tumatakbo. Nag-10k na yata siya, alam ko iyon ang pinakamalayo niya kaya nakakatuwa rin,” nakangiting sabi ng aktor.

Kadalasan sa mga atleta ay nagbabawas ng pagkain para hindi sila hirap sa mga ginagawa, pero kakaiba si Gerald dahil wala siyang ibinabawal sa sarili.

“Actually, one week before the race, bawal na ako sa carbs, bawas-bawas sa kinakain, pero habang nagti-training ako, magana ako kumain, more on carbs, like spaghetti, pasta, doon ko kinukuha ang energy ko,” pahayag ng binata.

Pero hindi lang puro training ang ginagawa niya kapag may sasalihang race, kailangan din ng recovery para makabawi ang katawan at dito niya nasubukan ang mga produkto ng Bargn Pharmaceuticals.

Ayon sa may-ari ng Bargn Pharmaceuticals, ang CosmoCee ang tanging vitamin C sa merkado na gawa sa Citrus Bioflavionoids, non-acidic kaya ligtas para sa lahat. Itinatag noong 2006 nina Nino Bautista at John Redentor Gatus, Jr., mabilis na naging pangunahing integrated neutraceutical, beauty, at vitamin company dito sa Pilipinas ang Bargn na mabenta na rin sa sampung iba’t ibang bansa.

Binuksan ng Bargn ngayong taon ang pinakabago at fully integrated manufacturing facility nila sa Dasmariñas Technopark na may 6800sqm facility.

Bukod sa CosmoCee, sila rin ang manufacturer at distributor ng CosmoSkin, CosmoBody Elite, FiberMaxx.