Ni Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Humataw, ngunit kinulang ang Philippine volleyball men’s team.

Natamo ng Pinoy ang nakalulungkot na straight set na kabiguan sa kamay ng mas mabilis at inspiradong Vietnam side sa opening match ng men’s volleyballng 29th Southeast Asian Games nitong Lunes ng gabi.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Kulang pa sa toughness and consistency,” pahayag ni national coach Sifronio Acaylar, patungkol sa koponan na nabuo lamang nitong Marso.

Iginiit ni Acaylar na makabubuti na panatilihin ang komposisyon ng koponan para mas maging handa sa susunod na international meet.

“We need to continue the program because I think we’re in the right track,” aniya.

Ayon kay Acaylar, datin ring National player, na mahalagang masanay ang koponan sa mahabang panahon para maging handa sa 2019 SEAG edition sa Manila.

“If we want to contend for the gold medal when we host the Games two years from now,” aniya.

Malaking dagok sa Nationals kung mabubuwag ito pagkatapos ng SEAG.

Matapos ang pahinga, sasabak ang koponan kontra Indonesia ganap na 7:00 ng gabi ngayong Miyerkules sa MiTEC Hall 11.

Samantala, naghahanda na ang women’s volleyball sa kanilang pagsalang kontra host Malaysia bukas.

Iginiit ni National coach Francis Vicente ang kahalagahan ng tiwala sa isa’t isa para malagpasan ang hamon ng karibal.