KUALA LUMPUR – Tulad nang inaasahan, magaan na dinispatsya ng Gilas Pilipinas ang bagitong basketball team ng Myanmar, 129-34, nitong Martes ng gabi para patatagin ang kampanya na mapanatili ang men’s title sa 29th Southeast Asian Games sa MABA Stadium.

Halos lahat ng Gilas, sa pangunguna ni Kobe Paras, ay nakapagpamalas ng ‘showtime’ laban sa mahinang Myanmar cagers para maitarak ang pinakamalaking bentahe sa kasalukuyan sa torneo at kunin ang ikalawang sunod na panalo.

Target ng Gilas na masustinahan ang matikas na kampanya kontra Malaysia Miyerkules ng gabi.

Kumubra si Paras ng 20 puntos, tanpok ang anim na dunks, walong rebound, apat na assists, pitong steals at apat na blocks. Nagsalansan si Raymar Jose ng 22 puntos.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umarya ang Team Philippines sa 31-7 bentahe sa first quarter tungo sa paglista sa halos 100 puntos na bentahe.

“We also need to respect ‘yung kalaban natin and respect the game,” sambit ni Gilas coach Jong Uichico. “Kung tutuusin, kaya nilang gawin ‘yung gusto nila pero you also have to play hard so it carries over into the next game which is tomorrow.”

Iskor:

Philippines (129) - Jose 22, Paras 20, Rosario 14, Tolomia 13, Cruz 12, Standhardinger 12, Ferrer 11, Pessumal 9, Parks 7, Vosotros 5, Ravena 4.

Myanmar (34) - Kyaw 12, Zaya Aung 8, Wai 4, Oo 2, Aung Wana 2, Zin Wai 2, Han Then 2, Aye 2,Min 0, Ja La 0, Phyo 0.

Quarters: 31-7, 60-10, 98-16, 129-34.