KUALA LUMPUR – Hindi naman nagpadaig ang Perlas Pilipinas sa kanilang debut match nang pulbusin ang Singapore, 88-54, nitong Linggo sa women’s basketball ng 29th Southeast Asian Games.

Nadomina ng Perlas ang karibal mula simula hanggang sa final period. Naisara nila ang 39-25 bentahe sa halftime.

Allana may lim  of philippines goes to the basket  jayne sarah tan kai ting of singapore during the 29th sea game women held at MABA stadium.looking on analyn Almazan(photo by ali vicoy)
Allana may lim of philippines goes to the basket jayne sarah tan kai ting of singapore during the 29th sea game women held at MABA stadium.looking on analyn Almazan(photo by ali vicoy)

Ratsada si Afril Bernardino sa Team Philippines sa naiskor na 16 puntos, 10 rebounds, tatlong steals, at dalawang blocks, habang kumana si Janine Pontejos ng 13 puntos at umiskor si Camille Sambile ng 10 puntos.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nagwagi rin ang Indonesia at host Malaysia. Tinalo ng Indonesia ang Myanmar, 94-49, habang nagwagi ang Malaysia kontra Vietnam, 88-54.

Sunod na makakaharap ng Perlas ang Indonesia Lunes ng gabi.

Iskor:

Philippines (88) - Bernardino 16, Pontejos 13, Sambile 10, Lim 9, Resultay 8, Cabinbin 7, Tongco 6, Almazan 6, Dy 5, Castro 4, Animam 4, Abaca 0.

Singapore (54) - Poon 10, Chu Jia Jia 9, Lim Zhi Yan 9, Tan En Min 8, Yoshida 7, Loiter 4, Koh 3, Ang Siew Ting 2, Tang 2, See Kai Ting 0, Lim Rui Jia 0.

Quarters: 23-16, 39-25, 64-36, 88-54