ni Rey Bancod

KUALA LUMPUR – Gintong medalya na, naging bato pa.

Ito ang kinahitnan nang kampanya ni pole vaulter Ernest John Obiena matapos magtamo ng injury habang nageensayo para sa 29th Southeast Asian Games.

Ang 21-anyos na si Obiena, nagsanay sa Italy at kumampanya sa Europe, ang isa sa inaasahang ‘sure’ winner bunsod nang matikas na markang 6.3 meters na nagawa niya sa ensayo sa Italy.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Ang naturang marka ay sigurado na para sa SEAG record dahil ang kasalukuyang marka ay may taas lamang na 5.40 meters.

“They tried to put the foam back in the right place, but it barely moved because the rains have made it too heavy,” pahayag ng isang miyembro ng delegasyon hingil sa pangyayari na naganap isaang araw bago tumulak ang koponan patungong Kuala Lumpur.

Sa pagsusuri umano kay Obiena, natamo ito ng pinsala sa anterior cruciate ligament (ACL).