Ni Marivic Awitan

NALUSUTAN ng season host San Sebastian College ang pagkawala ng key player na si Michael Calisaan sanhi ng dalawang ‘unsportsmanlike foul’ nang gapiin ang Emilio Aguinaldo College, 75-73, kahapon sa pagpapatuloy ng NCAA Season 93 basketball tournament sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Kahit napatalsik sa huling bahagi ng third canto, tumapos pa ring top scorer para sa Stags si Calisaan na may 19 puntos at dalawang rebounds.

Nguni,t ang point guard na si Ryan Costelo ang nagsalba sa Stags matapos mag take over sa scoring chores sa payoff period kung saan niya isinalansan ang 10 sa kanyang 11 puntos na output para iangat ang koponan sa patas na barahang 4-4, kasabay ng paglaglag sa Generals sa barahang 3-5 kapantay ng Perpetual Help Altas.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nag -ambag naman sina Regille Ylagan at JM Calma ng 12 at 10 puntos. ayon sa pagkakasunod para sa Stags na nakabangon sa kabiguang nalasap sa kamay ng Letran sa nakaraan nilang laban.

Nawalan naman ng saysay ang game high na 22 puntos at 14rebounds ni Sidney Onwubere dahil hindi nito nagawang isalba ang EAC sa ikatlong sunod nilang pagkatalo.

Nitong Huwebes, wala man sa kanilang teritoryo, nanatiling mabangis ang San Beda Red Lions, sa pangunguna nina Robert Bolick at Clint Doliguez, para magapi ang Perpetual Help Altas, 57-53, nitong Huwebes sa NCAA Season 93 ‘Home Tour’ sa Perpetual Help Gym sa Las Pinas.

Naisalpak ni Bolick ang dalawang free throws para maiabante ang Lions bago nagpakawala ng three-pointer si Doliguez para selyuhan ang panalo – ikapitong sunod matapos ang opening day loss – at manatiling nakabuntot sa nangungunang Lyceum of the Philippines Pirates (7-0).

Kumubra si Doliguez ng team-high 11 puntos, habang kumana si Bolick ng 10 puntos, 11 rebounds at pitong assists.

Kumana si Prince Eze ng 11 puntos, 17 rebounds at tatlong blocks , ngunit sumablay ang dalawang krusyal na free throw na nagdala sa kabiguan ng Altas (3-5).

Sa juniors’ action, ginapi ng Cubs ang Altalettes, 90-79, para sa ikaanim na panalo sa walong laro.

Iskor:

San Beda (57)- Doliguez 11, Bolick 10, Presbitero 9. Mocon 8, Tankoua 6, Potts 5, Noah 4, Adamos 3, Bahio 1, Abuda 0, Carino 0, Oftana 0, Soberano 0, Tongco 0

Perpetual Hepl (53)- Dagangon 17, Eze 11, Pido 11, Ylagan 7, Hao 3, Coronel 2, Mangalino 2, Clemente 0, Lucente 0, Tamayo 0, Yuhico 0

Quarterscores: 10-9, 21-20; 37-35; 57-53