Ni REY BANCOD

KUALA LUMPUR – Para kay coach Jong Uichico, ang pinakamahirap para sa isang mentor ay ang sumabak sa laban na marami ang umaasang magwawagi ang koponan.

Tulad ng mga National basketball mentor na nauna sa kanya, malaki ang alalahanin ni Uichico dahil sa katotohanan na buong bansa ang kumpiyansa na magagabayan niya ang basketball team sa isa pang kampeonato.

Bukas na libro ang kaisipan ng sambayan sa Southeast Asian Games na matalo na sa anumang laban huwag lang sa basketball.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nadomina ng Pinoy ang SEAG basketball sa kabuuan ng kasaysayan ng biennial meet. At walang pinagiba ang 29th edisyon.

Kaya’t binabalik-balikan ni Uichico ang line-up ng Thailand basketball team para masiguro kung sino ang kailangan bantayan ng Gilas Cadet.

Haharapin ng Pinoy cagers ang Thais sa opening day ng men’s basketball elimination ngayong gabi. Itinakda niya ang ensayo ganap na 1:00 ng hapon. At para makasiguro, hininge niya ang payo ni Dr. Rey Canlas para maibsan ang nadaramang agam-agam.

Iginiit naman ni Dr. Canlas, head ng medical team, na kailangan lamang na manatiling kalmado ang lahat at maghanda.

Tunay na kailangan ang paghahanda ng Gilas. Walang dahilan para matalo ang Pinoy sa SEA Games basketball.

At hindi ito lingid kay Uichico.

Sa Singapore noong 2015, pinagpawisan ng todo ang Gilas laban sa Thailand bago nailusot ang 80-75 panalo sa semifinals.

Nagkataon, unang makakaharap ng Gilas ang Thais ganap na 9:30 ng gabi.

Kasama ng Pilipinas sa grupo ang Thailand, Malaysia at Myanmar, habang nasa kabilang grupo ang Indonesia, Vietnam, Cambodia, Laos at Singapore.

Uusad sa crossover semifinals ang mangungunang dalawang koponan sa magkabilang grupo.

“Our mindset is to work hard with what we have,” sambit ni Uichico.

Pangungunahan ang Gilas ni Fil-German Christian Standhardinger na galing sa matikas na kampanya sa Asian Fiba Cup sa Lebanon.