Ni: Leonel M. Abasola

Sa susunod na linggo na sisimulang imbestigahan ng Senate committee on bank ang umano’y lihim na yaman ni Commission on Election (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Ayon kay Senador Francis Escudero, chairman ng komite, sisilipin nila ang umano’y P329-milyon bank deposits ni Bautista sa 30 bangko sa bansa at sa ibang bansa.

Ang imbestigasyon ay batay na rin sa inihaing resolusyon nina Majority Leader Vicente Sotto III at Senador Panfilo Lacson sa posibleng paglabag sa Anti-Money Laundering Act (AMLA) ng Luzon Development Bank (LDB).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“In the case of LDB and the bank accounts of the Comelec chair, the compliance with the required due diligence must be studied and investigated. The splitting of accounts of the Comelec chair in one small thrift bank so as not to be under the radar of the Anti-Money Laundering Council, likewise, needs to be further looked into,” saad sa resolusyon.

Ayon pa kay Escudero, nakatakda nilang imbitahan ang mga opisyal ng LDB, Anti-Money Laundering Council, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), at National Bureau of Investigation (NBI).

“In the meantime, the committee hearing will simply be open to Chairman Bautista’s participation should he voluntarily want to, given his public pronouncements that he welcomes any probe to air his side and clear his name,” sambit ni Escudero.