Ni: Marivic Awitan
“Kailangan naming ibawi mga kuya namin.”
Ito ang nagkakaisang pahayag ng Gilas Pilipinas na sasabak sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia bilang pagbibigay suporta sa dinanas na kabiguan nang mas nakatatandang koponan sa kasalukuyang Asia FIBA Cup sa Beirut, Lebanon.
“It’s an added motivation for us,” pahayag ni team captain Kiefer Ravena, sa ‘send-off’ ng koponan kahapon.
Target ni Ravena ang ikaapat na Sea Games gold.
“Our efforts should be 110 percent every practice and every game.”
“Kasama sa motivation namin yun, kaya gagawin namin ang best namin para pagbalik ng Pilipinas masaya lahat, “ ayon naman kay Baser Amer.
Mismong ang pangunahing tagapagtaguyod ng koponan na si Bounty Shrouded Ventures Inc. president at general manager Ronald Macariñas ay naniniwalang magiging tagapagsalba ang koponan sa nangyari sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa Lebanon.
“Meron na tayong bagong pag -asa na ibangon tayo, itong team na ito sa SEA Games, “ pahayag ni Mascariñas.
“Bring home our 18th gold medal. We wish our SEAG bound team well,” aniya.
Para kay coach Jong Uichico, inamin nitong nasa kanila ngayon ang pressure, dahil sa naging kabiguan ng Gilas squad sa FIBA Asia Cup bukod pa sa katotohanang pabigat ng pabigat ang laban ng bansa sa regional meet.
“The pressure is on us. There’s no room for mistakes.
Gayunman, ipinangako nitong gagawin nila ang makakaya upang manalo. “We will try our very best to make the Filipinos proud.”
Itinuturin namang ‘future of Philippine basketball’ ni PBA commissioner Chito Narvasa ang komposiyon ng team.
“Good luck boys, we wish you all the best and if there’s anything we can do to help, just let us know,” aniya.
Binubuo ang Gilas squad nina Ravena, Amer, Ray Parks Jr., Kobe Paras, Kevin Ferrer, Almond Vosotros, Reymar Jose, Von Pessumal, Mike Tolomia, Troy Rosario, Mac Belo, Christian Standhardinger at Carl Bryan Cruz.