Ni: Reuters

SARIWA pa sa pagkakapanalo sa kanyang unang Oscar, kinabog ni Emma Stone si Jennifer Lawrence nitong Miyerkules sa pag-angkin sa top spot sa Forbes’ 2017 list ng world’s highest-paid actresses.

Emma copy

Si Emma, 28, nanalo ng best actress para sa kanyang pagganap bilang struggling actress sa La La Land, ay kumita ng $26 milyon sa pre-tax earnings, ayon sa pagtaya ng Forbes sa loob ng mahigit 12- buwan simula Hunyo 2016 hanggang Hunyo 2017.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Naungusan niya si Jennifer Aniston, 48, na pumuwesto sa No. 2 ngayong taon sa kinitang $25.5 milyon, na may residual income na nagmumula pa rin sa television sitcom na Friends at endorsement deals sa ilang brands gaya ng SmartWater at Emirates Airline.

Si Lawrence, 27, dalawang magkasunod na taong nanguna sa Forbes list, ay bumaba sa No. 3 ngayong taon sa kinitang $24 milyon, halos kalahati ng kinita niya noong nakaraang taon na $46 milyon.

Ang aktres, nagsalita tungkol sa pantay na pasahod para sa kababaihan sa Hollywood, ay bumaba ang kita ngayong taon sa pagtatapos ng Hunger Games franchise, ngunit nagpatuloy sa pagyaman sa movie deals at endorsement deal sa fashion brand na Christian Dior.

Tinipon ng Forbes ang kanyang annual celebrity earnings lists mula sa box office at Nielsen data, gayundin mula sa mga panayam sa industry insiders.

Pasok din sa top-ten list sina Charlize Theron, Emma Watson at Melissa McCarthy. Sinabi ng Forbes na walang bituin mula sa Asia na nakapasok ngayon taon.

Sinabi ng Forbes na ang cumulative total income ng world’s top ten highest-paid actresses -- $172.5 million -- ay bumaba ng 16 porsiyento kumpara noong nakaraang taon.

Noong nakaraang taon, si Dwayne “The Rock” Johnson ang nanguna sa Forbes’ list of highest-paid actors sa kinitang $64.5 milyon, mahigit doble ng kinita ni Emma ngayong taon. Inaasahang ilalabas ng Forbes ang listahan nito ng top-earning male stars sa ngayong linggo.