NI: Light A. Nolasco

TALAVERA, Nueva Ecija – Inaresto ang dalawang pinaghihinalaang drug pusher sa Barangay Burnay sa Talavera, Nueva Ecija, nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni P/Supt. Joe Neil E. Rojo, Talavera Police chief, ang mga naaresto na sina Dennis Bondoc, 42, may asawa, residente ng Bgy. Pag-asa; at Nino Santo, 42, may-asawa, ng Bgy. Burnay, na nakumpiskahan ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,000 at marked money.

Matagal na umanong minamanmanan ang mga tulak na ito hanggang sa masakote sa nasabing lugar.

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi