ni Mina Navarro

Ikinatuwa ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang mabilis na pagkilos ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa panawagan ng mga saleslady na pagbawalan ang mga employer sa pag-oobliga sa kanila na magsuot ng sapatos na may mataas na takong sa trabaho.

Inatasan ni Labor Secretary Silvestre Bello ang Occupational Safety and Health Center (OSHC), Bureau of Working Conditions (BWC) at ang Bureau of Special Working Concerns (BSWC) na magkaroon ng patakaran kaugnay sa kaligtasan at banta sa kalusugan na kinakaharap ng mga saleslady sa pagsusuot ng high heels sa trabaho.

“The ALU-TUCP commends the swift action made by DOLE on a request made by salesladies to do away with the wearing of high heel shoe because it causes pain and exposes them to the risk of sliding, falling, and tripping off. Salesladies are happy with the decision of DOLE to ban the wearing of high heels at work,” pahayag ni ALU-TUCP spokesperson Alan Tanjusay.
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador