Ni MARIO B. CASAYURAN

Susubukan ng Senate Blue Ribbon committee na magsagawa ng mas malalim na imbestigasyon sa pagkakapuslit ng P6.4 bilyon halaga ng 605 kilo ng “shabu” (crystal meth) sa bansa noong Mayo, sa pakikipag-ugnayan sa China para sa mga impormasyon na magagamit sa pagdakip sa ilang Chinese na iniuugnay sa shabu smuggling mula sa Xiamen, China.

Sinabi ni Sen. Richard J. Gordon, committee chairman, na aatasan niya si Senate President Aquilino Pimentel III na magpadala ng liham sa China, sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs (DFA), base sa kasunduan ng Pilipinas at ng China.

Una nang siniguro ng isang mataas na opisyal ng China sa pamahalaan ng Pilipinas na sinusubukan ng kanyang gobyerno na maiwasang mag-angkat ng “shabu” sa ‘Pinas dahil mahigpit ang kampanya ni Pangulong Duterte laban sa ilegal na droga simula nang maupo noong Hulyo, 2016.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sinabi ni Gordon na siya at mga kapwa niya senador ay hindi kuntento sa “whimper” ni Pangulong Duterte sa pagkakasamsam sa shabu shipment matapos nitong payagan si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon na manatili sa kanyang puwesto hindi gaya ng “hue and cry’’ nito laban sa mga sangkot sa kurapsiyon at illegal drug shipment.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig sa shabu smuggling, sinabi ni Gordon na handa siyang irekomenda sa Pangulo ang malawakang balasahan sa BoC.

“I will be strongly disappointed (sa Pangulo) if he gives Faeldon a free pass as all others,’’ ani Gordon.