GINAPI ni Filipino Grandmaster Jayson Gonzales si Dutch Kees Nieuwelink para Makalapit ng kalahating puntos sa liderato, ngunit kinapos ang kanyang estudyante na si Woman GM Janelle Mae Frayna kontra Russian GM Konstantin Landa dahilan para malaglag sa top 10 matapos ang anim na round ng 21st Hogeschool Zeeland Open 2017 sa Vlissigen, The Netherlands nitong Miyerkules ng gabi.

Naungusan ni Gonzales si Nieuwelink sa ika-50 sulong ng Guioco Piano para makisosyo sa ikatlong puwesto kasama ang siyam na may tig-limang puntos – kalahating puntos ang layo sa nangungunang si sina GMs Eduard Itturizaga Bonelli ng Venezuela at Konstantin Landa ng Russia na may 5.5 puntos.

Lamang ng kalahating puntos ang dating National Chess Federation of the Philippines kay Frayna, nabigo sa ika-46 sulong ng Irregular Game.

Nalagay sa alanganin ang posisyon ni Frayna, may world rating na 2248, nang mag-castle sa kingside na nagbigy nang bentahe sa karibal matapos ang palitan ng piyesa.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Nasama si Frayna, suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), sa pakikipagtulungan ng National Chess Federation of the Philippine, FEU’s Aurelio Montinola, Miguel Belmonte at Edward Go.

Sunod na makakaharap ni Frayna si Hungarian GM Attila Czebe sa ikapitong round, habang mapapalaban si Gonzales kay Indian IM R Praggnanandhaa .