BILANG bahagi ng pagkalinga sa mga kababayan mula sa nagulong Marawi City, ipinahayag ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang paglarga ng anim na ‘charity races’ na gaganapin sa huling tatlong linggo ng Agosto.
Sa nilagdaang resolution ng Philracom Board of Executive kamakailan sa Makati City office, isasagawa ang dalawang charity races simula sa Aug. 13 sa Manila Jockey Club’s San Lazaro Park sa Carmona, Cavite, habang lalarga ang isang karera sa Aug. 20 sa Philippine Racing Club’s Santa Ana Park. Ang huling dalawang karera ay itinakda sa Aug. 27 sa Manila Metro Turf sa Malvar, Batangas.
“The call for humanitarian action is resounding in the face of the Marawi City crisis – displaced families, injured and dead civilians and soldiers and damaged properties,” pahayag ng Philracom sa kanilang official statement. “As a response to the devastating conditions created by the crisis in Marawi City, the Commission deemed it necessary, reasonable and desirable to sponsor charity races for the benefit of victims of the crisis in Marawi City.”
Pirmado ang resolution nina Philracom Chairman Andrew A. Sanchez at Commissioners Bienvenido Niles Jr. Wilfredo de Ungria, Atty. Jose P. Santillan Jr., Lyndon B. Guce, Atty. Ramon Bagatsing Jr. at Atty. Victor Tantoco.
Ang Philracom Stakes Race na nakatakda sa Aug. 13 sa San Lazaro Park ay ginawang charity races para sa mga bagwit ng Marawi City.
Maglalaan ang Commission ng P300,000 sa bawat charity race para sa kabuuang P1,800,000 sa loob ng isang buwan. Kukunin ang pondo sa Commission’s General o Trust Fund-Breakages at sasailalim sa proseso batay sa itinatadhana ng batas.
“The Philracom is under the Office of the President and it is but proper that we aid in President Rodrigo Duterte’s efforts to rehabilitate Marawi City,” pahayag ni Chairman Sanchez.
Nakabatay ang anim na charity races sa sinusunod na Philracom’s Rating-Based Handicapping System na resulta nang pagiging miyembro ng Commission sa International Federation of Horseracing Authorities (IFHA), kung saan nakatuon ang layunin sa pagpapataas ng kalidad ng horse racing industry sa bansa.
Bilang miyembro ng IFHA, handa ang Philracom namagsagawa ng mga pagbabago sa mga patakaran na nakasaad sa internation standard, kabilang ang rating-based handicapping system, equine drug-testing at pagpapalitan ng teknolohiya.