HANDA na ang lahat para sa gaganaping 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Edition) 9-Stag International Derby sa Setyembre 15-24 sa Newport Performing Arts Theatre ng Resorts World Manila.
Handog nila Charlie “Atong” Ang, Gerry Ramos, Engr. Sonny Lagon, Gov. Eddiebong Plaza & RJ Mea, sa pag-alalay nila Ka Lando Luzong at Eric dela Rosa, ang 10-araw na pandaigdigan labanan ay magkatuwang na itinataguyod ng Thunderbird Platinum at Resorts World Manila.
Ang mga batang tinale o stags na maaring ilaban ay iyong mga banded ng mga local associations sa ilalim ng Federation of International Gamefowl Breeders Associations (FIGBA) at nang Pambansang Federation ng Gamefowl Breeders (Digmaan) Inc. (PFGB-Digmaan). Tanggap din ang mga stags na banded ng Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) subali’t yung nasa Young category lamang.
May kapahintulutan ng Games & Amusements Board, ang 2017 World Pitmasters Cup (Master Breeders Editon) 9-Stag International Derby ay may garantisadong premyo na P15 Million para sa entry fee na P88,000 at ang minimum bet naman ay P55,000. Ang handler ng kampiyon na entry ay mag-uuwi ng isang bagong Mitsubishi Strada mula sa Resorts World Manila.
Ang bawat kalahok ay tatanggap ng commemorative plate kaloob ng Thunderbird Platinum.
Ang 2-stag eliminations ay gaganapin sa Septyembre 15 (Group A), 16 (Group B) & 17 (Group C), samantalang ang 3-stag semis ay idaraos sa Sept. 18 (A), 19 (B) & 20 (C).
Pagkatapos ng semis, lahat ng entry na may iskor na 2-3.5 puntos ay maghaharap sa kanilang 4-stag finals sa Set. 21 (A), 22 (B) at 23 (C). Ang lahat naman ng may iskor na 4,4.5 & 5 puntos ay magtutuos sa ika-24 ng Setyembre para sa kanilang 4-stag grand finals.